|
| Name: George Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Monday (November 8, 2004) issue...
5 recruitment agencies sinuspinde dahil sa paglabag sa Iraq ban!...
Ito’y isang babala sa recruitment agencies na nagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Iraq.
Ito’y dahilan sa limang recruitment agencies ang sinuspinde at kinasuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa paglabag sa ban sa pagpapadala ng OFWs sa nasabing bansa.
Ang mga kinasuhan ay ang MGM Worldwide Manpower and General Services, M-Ventures International Placement Corp., Platinum International Recruitment Agency Inc., Vilman International Manpower and General Services at VJ International Services and Trading Co.
Ayon kay POEA Administrator Rosalinda Dimapilis-Baldoz, sinampahan na nila ng kasong misrepresentation, labis na paniningil ng placement fees at contract substitution ang mga nabanggit na ahensiya.
Ipinahayag pa sa IMBESTIGADOR ni Baldoz na pinag-aaralan din nila ang responsibilidad ng JS Contractors kaugnay ng illegal na pagpasok ng accountant na si Robert Tarongoy na kinidnap ng mga militanteng Iraqi.
Sinabi ni Baldoz na ang Saudi Arabian Trading and Construction Company ang kumuha ng visitor's visa para kay Tarongoy upang ito ay makapasok sa Iraq sa pamamagitan ng pagdaan sa Doha, Qatar.
Ayon sa POEA chief, madali lamang makapag-apply ng visitor’s visa sa Iraq si Tarongoy dahilan sa siya ay accountant sa isang kompanya sa Middle East.
Sinabi ni Baldoz na ang ginawa ng SATCO ay paglabag sa patakaran ng POEA gayundin sa kasalukuyang ban sa pagpapa-deploy ng ating mga kababayan sa nabanggit na bansa.
Kaugnay nito, nagbabala naman kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malamang na marami pang mga banyaga, kabilang ang mga Filipino, ang dudukutin sa Iraq.
Naniniwala ang mga opisyal ng DFA na ang pagkakadukot kay Tarongoy ay masusundan pa dahilan sa ang pagdukot sa mga inosenteng sibiyan sa mga siyudad ang tila nagiging taktika ngayon ng mga militanteng Iraqi.
* * *
Samantala, may 30 pang OFWs ang nasa military camp sa Iraq, ayon sa mga kababaihang OFWs na dumating noong Sabado sa Ninoy Aquino International Airport na lulan ng Gulf Air GF254 mula Iraq na dumaan sa Abu Dhabi.
Ang dumating na 19 OFWs, na kasamahan ng mga naiwan na OFWs, ay sumailalim sa repatriation na inilunsad ng pamahalaan bunga ng kawalan ng trabaho ng mga ito sa Iraq.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Marianito Roque, ang mga pinauwing OFWs ay pumuslit palabas ng bansa may walong buwan na ang nakakaraan matapos pumirma ng isang taong kontrata sa MJC Mid-Jordan Company para magtrabaho bilang computer internet operators, labandera, utility women, carpenter at air-con technicians sa Camp Cooke Taji sa Iraq.
Kinilala ni Roque ang ilan sa mga ito na sina Doreen Agavuya, Rowena Martinez, Rosemarie Quisumbing, Mannelyn Valentino, Melinda Mostoles, Marcela Escoton, Jackly Comasco, Rhodora Mool, Cynthia Tabor, Annalyn Terio, Marian Rosales, Anne Maria Garay, Esperanza Mortido, Teresa Ma. Dimacali, Lani Garcia at Marivic Gabo.
Sinabi ng OWWA chief na minabuti na nilang pauwiin na lamang ang mga OFW kaysa naman madukot pa sila o kaya ay maipit sa labanan bukod sa wala pa rin silang employment contracts.
* * *
Inaanyayahan ko nga pala ang ating mga kakampi at kapamilya na may iba’t-ibang oportunidad sa trabaho, kabuhayan, pamumuhunan at pagnenegosyo na naghihintay sa inyo sa Filipino Seafarers Family Expo and Forum 2004 at Pamilyang OFWs-SMEs Housing and Home Essentials Trade Fair 2004 na sabay na gaganapin sa Nob. 12-14 sa Megatrade Hall 1 ng SM Megamall sa Mandaluyong City. Iyong may problema sa illegal recruiters ay inaanyayahan din namin na dumalo sa tatlong-araw na okasyon dahilan sa kalahok din sa nasabing expo ang POEA, Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force at ang OFWs Protect ni Atty. J. Oswald Lorenzo.
* * *
Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com na kung saan ay inyo ring matutunghayan ang kolum na ito. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Gary Bartolome |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
Congratulations for organizing the November expositions at the SM Megatrade. Mabuhay ang POFW-SMENFI!
| Name: Benjamin Suarez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Calamba, Laguna |
Comments:
Asawa po ako ng OFW sa Hong Kong at saludo po ako sa inyong magagandang mga proyekto na layuning negosyante ang pamilyang OFWs. Mabuhay po kayo!
| Name: Abe Dumlao | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
Great site... anybody here interested to Join me in our new global business please visit my site.. Thanks
| Name: Ted S. |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
Hindi maganda ang trato sa aming mga OFWs ng mga empleyado ng ating Embahada dito sa Saudi. Sana ay kalampagin ninyo ang mga kumag! Maraming salamat at mabuhay!
| Name: Excelsior Travel & Tours | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Cebu City |
Comments:
Very Affordable!
Domestic and International Ticketing, Package Tours Worldwide, Passport and Visa Processing, Immigration Clearances, Holylang Tours, Asian Tours:Honkong & Others.Call Cebu OFfice: 032-2326855-2326858