|
| Name: POFW-SMENFI | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
POFW-SMENFI News Release (Sept. 15, 2001)
Foundation magsasagawa ng libreng legal at medical services, iba pang
livelihood activities para sa pamilyang OFWs at SMEs sa Parañaque City:
Bilang suporta sa hangarin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mapangalagaan at mabigyan ng benepisyo ang mahigit sa 8 milyon na overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya at bilang tugon sa pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang pag-unlad ng small and medium entrepreneurs (SMEs), ipinahayag kahapon ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation Inc. (POFW-SMENFI) ang pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad para sa pamilyang OFWs at SMEs simula sa Setyembre 23 sa Pearl Plaza sa Parañaque City.
Ang POFW-SMENFI ay nasa likod ng ilang proyekto para sa pamilyang OFWs at SMEs simula noong 1998 sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at non-government organizations. Ang opisina ng POFW-SMENFI ay nasa No. 53 18th Ave., Murphy, Quezon City at may tel. nos. 912-58-03 at 437-16-60.
Sinabi ni POFW-SMENFI President George Arriola na ang Pearl Plaza -- na may limang minuto lamang ang layo mula sa Ninoy Aquino International Airport – ay perpektong lugar sa mga okasyon para sa pamilyang OFWs dahilan sa malapit ito sa airport, Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, at foreign embassies. Ito ay maganda ring lugar para sa mga aktibidad para sa pamilyang SMEs dahilan sa malapit ito sa Makati business center. Ang Plaza ay may 8 parking levels na kayang himpilan ng 1,000 behikulo.
Ang mga sumusunod ay ang mga aktibidad na naka-schedule sa Pearl Plaza:
· Livelihood seminars: Paggawa ng Pasta at Noodles (Set. 23), Basic Meat Processing (Set. 24), Paggawa ng Cookies at Tarts (Set. 25), Paggawa ng Siopao at Dimsum Making (Set. 26), at Paggawa ng Tokwa, Tofu, Miso at Soya Milk (Set. 27);
· LIbreng serbisyong legal sa pakikipagtulungan sa Atty. J. Oswald B. Lorenzo & Associates Law Firm (tuwing Sabado, simula sa Okt. 5); at
· Libreng serbisyong medikal sa pakikipagtulungan kay Dr. Emmanuel Campaña ng Manila Medical Society at Medical Center Manila (tuwing Linggo, simula sa Okt. 6).
| Name: Gabriel Estalilla |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
We like your website. We wish your organization good luck and keep up the good work
| Name: Diana Uy |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Tamang-tama sa aming OFWs dito sa Hong Kong ang inyong website.
| Name: Benjie Lacsamana |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Dammam, Saudi Arabia |
Comments:
Dapat magkaisa tayong overseas Filipino workers dito sa Saudi Arabia. Mabuhay tayong lahat!!!
| Name: Hazel Vicente |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
Ang Pamilyang OFW-SME Network Foundation Inc. website ang website na okay na okay sa amin dito sa Taiwan. Mabuhay ang mga opisyal at miyembro ng foundation.
| Name: Fe Pisquel |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
To Terry: Honey, my warm regards, hugs and kisses are being send specially for you. Take care -- Sweetie
| Name: Elvira Angeles |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
To Mr. ABNER: Mahal, I miss you so much! Your'e the one I want to be with for the rest of my life. I love you forever! -- Elvira Angeles
| Name: James Alcantara |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
Nabasa ko sa Manila Bulletin na may website na inilunsad noong June para sa aming OFWs. Nang bisitahin ko ito ngayon ay napansin ko na ika-14,045 na visitor na ako. Hangang-hanga ako sa inyong website. Pag-uwi ko sa Pilipinas ay hangad ko na maging bahagi ng inyong foundation.
| Name: Gerry Tolentino |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
Marami kaming factory workers dito na nagandahan sa inyong website. More power!!!
| Name: Jane Garcia |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Yours is a wonderful website!