|
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Friday (September 24, 2004) issue...
Mga opinyon ng pamilyang OFWs sa pagtatrabaho sa ibang bansa...
Marami tayong natatanggap na e-mail messages mula sa ating mga kapamilyang OFW sa ibang bansa na nagpapahayag ng opinyon sa kanilang pagtatrabaho sa Pilipinas. Ang ilan sa mga BOSES nila ay ang mga sumusunod:
ESTER ng CANADA: Dahil sa grace na bigay ng Diyos sa pamilya namin, nakapunta lahat kami dito sa Canada. Eto ang dream ng father ko para sa amin. Mabigyan kami ng magandang kinabukasan, dahil alam nya na walang mangyayari sa amin diyan sa Philippines kung dyan kami magsisilaki. Pito kaming magkakapatid. Lahat kami nandito sa Canada. Maaayos naman ang buhay. Lahat kami ay may trabaho at may mga anak na rin. Sa palagay ko ay hindi na kami babalik para mamuhay sa bansa na sinilangan namin. Bibisita, oo. Canada na ang kinalakihan naming bansa. Nandito lahat ng kailangan namin, ang pamilya namin, pagkain, bahay, katahimikan, magandang environment, maraming puno, malinis na tubig, malinis na hangin, pera na makakabili ng kahit na anong gustuhin, mga mababait na tao. Walang mag-i-stop sa iyo para kidnapin ka o nakawan ka. Lahat ng tao, kumakayod. Maraming matulungin na tao. Totoo, minsan napag-uusapan namin ang buhay diyan noong bata pa kami. Ang feeling ng X'mas diyan, iba. Hindi ko alam kong ano ang feeling na iyon. Mahirap ipaliwanag. Iyon ang hindi ko ma-feel dito sa Canada. Balang araw siguro ay babalik ako sa Pilipinas para ma-feel ko ulit iyon. Matagal na akong hindi nakabisita sa Philippines. Marami na kaming change na dinaan. Pero sa mga balita na naririnig namin tungkol sa Philippines, hindi pa rin nag-iiba. Patayan dito, patayan diyan. Nakawan dito at diyan. Si kuwan, inagaw ang asawa ni kuwan? Tsismis dito at diyan. Kapag umunlad ang isang Filipino, maraming magagalit. Inggit dito, inggit diyan. Wala na ba tayong ibang magawa kundi siraan ang kapwa natin? Bakit ganoon tayo? Hindi na ba tayo talagang magbabago? Wala na ba tayong kaunlaran sa mundo? Mahihirapan kaming mamuhay ulit sa Pilipinas kung ganyan pa rin ang mentality ng mga tao. Wala tayong kaunlaran. Pati na ang mga anak natin ay magiging katulad natin dahil ganyan ang nakikita sa atin. Dapat na mag-isip-isip tayong mga Filipino. Bago mag-change ang buong komunidad ng Filipino, mag-start tayo sa pamamahay natin para sa FUTURE ng mga anak natin!
LINA ng TAIWAN: Nakatapos ako ng Bachelor of Elementary Education sa Pilipinas. Sa aking situwasyon na may dalawang anak at walang trabaho ang aking asawa, naisip kong magtrabaho bilang katulong sa Japan. Mahirap talaga ang malayo sa pamilya at mga mahal sa buhay pero wala akong magawa dahil sa situwasyon ng aking pamilya at ng ating bansa. Naisip ko din na mangatulong dito ng tatlong taon pero hanggang ngayon na lumalaki ang aking mga anak ay parang di ko tuloy maisip na bumalik sa ating bansa.
THELMA ng NEW JERSEY, UNITED STATES OF AMERICA: Noong unang dumating ako sa New Jersey sa taong 1983, ang balak ko lamang ay mag-stay ng tatlo hanggang anim na buwan. Ang nanay at lolo ko lamang ang kamag-anak ko dito at silang dalawa ang nag-encourage sa akin na pumunta dito. Ang buhay dito (at maski saan ka pa pumunta sa Amerika) ay hindi "a bed of roses." Kung tamad ka, wala kang pera. Maski paano nakakapagpadala ako kahit ano at magkano para lang makatulong. Nakaipon ako at nakabili ng bahay sa Rizal area sa Pilipinas. Sa ngayon, wala akong regrets sa pag-stay ko dito (although, ang nanay ko ay umuwi noong 1990 at ang lolo ko naman ay noong 1994, but he died of old age at 98 the following year sa Cavite). Ngayon, ako ay single mother sa isang 13-year old at ang buhay namin ay "just fine." Dumalaw kami sa nanay ko noong 1999 at 2001. Ang pabiro sa anak ko, kapag kailangan niya ng babysitter, mag-stay ako sa kanya, otherwise, I'll go home for good. Mabilis ang takbo ng everyday life dito sa New York -- sanay na ako, dahil ganyan talaga ang nature ko. I've become more and more of a workaholic. Hanggang may manga dito, I'll stay awhile longer.
* * *
Bukas nga pala ay inaanyayahan namin kayo na makinig sa ating programang “Pamilyang OFWs-SMEs!” sa dzRJ 810 AM simula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon. Ang mga natanggap nating e-mail at text messages na hindi natin naitatampok sa pitak na ito dahilan sa kakulangan ng espasyo ay babasahin natin sa nasabing isang oras na public service program para sa pamilyang OFWs at small and medium entrepreneurs (SMEs). Magbibigay din tayo ng update sa anti-illegal recruitment campaign na isinasagawa ng ating pamahalaan sa pangunguna ni Chairman Reynaldo Jaylo ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force at sa anti-investment scams.
* * *
Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com na kung saan ay inyo ring matutunghayan ang kolum na ito. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Jane Nicolas |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Nueva Ecija |
Comments:
Mabuti naman at may tunay kaming kakampi sa inyong katauhan na patuloy na nagbubulgar ng mga illegal recruiter at investment scammer. Mabuhay kayo!
| Name: Louie Platon |
| MY URL: Visit Me |
| Location: United Arab Emirates |
Comments:
I and my co-OFWs are regularly monitoring your activities which we found out to be truly OFW-service oriented. Mabuhay kayo!
| Name: Olivia Bustamante |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Tarlac City |
Comments:
Interesado po ang aking pamilya na mag-member sa inyong foundation dahilan sa mga magaganda ninyong proyekto. Mabuhay kayo!