Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  Page 52  
Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13   Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



08/18/04 21:27:49 GMT
Name: George A. Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
Here's my column this Wednesday... BOSES NG PAMILYANG OFWs... Ni GEORGE A. ARRIOLA... For Wednesday (August 18, 2004) issue... Panibagong paglilinaw ukol sa Korean Employment Permit System May mga natanggap ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na mga katanungan mula kina Esmeralda Guevarra, Joseph Perez at Gilbert Reyes tungkol sa umano’y mga panibagong paglilinaw ukol sa Korean Employment Permit System (EPS). Nakipag-ugnayan kami sa tanggapan ni Administrator Rosalinda D. Baldoz ng Philippine Overseas Employment Administration at bilang serbisyo publiko, ang mga sumusunod ay ang mga panibagong paglilinaw sa Korean EPS na ipinalabas ngayong buwan ng POEA: Labor Quota para sa Pilipinas. Sang-ayon sa pinakahuling impormasyon mula sa Korean Ministry of Labor, may itinakdang 6,000 labor quota sa taong 2004 para sa Pilipinas. Ang 3,500 nito ay para sa manufacturing sector at 2,500 para sa construction sector. Bukod dito, may hiwalay na quota na 2,096 para sa mga datihang Pilipino na nagtrabaho sa bansang Korea at tumugon sa programang amnestiya na ipinatupad ng bansang Korea noong nakaraang Hulyo 2003. Pagpapadala ng Listahan ng Aplikante sa Korea. Ang POEA na itinalagang ahensya ng gobyerno para sa EPS ay nagsumite na ng Listahan ng mga Aplikante (Roster of Jobseekers) para sa taong ito noong Agosto 10 (deadline ng pagpapadala). Mga Karagdagang Pamantayan Upang Makasali sa Listahan. Bibigyan ng prayoridad na mapabilang sa Listahan para sa taong ito iyong tama at kumpleto ang mga dokumento at sang-ayon sa mga bagong criteria tulad ng pasado na sa medical examination at akma ang mga kaalaman o kasanayan sa sektor na manufacturing at construction. Mayroon ding prayoridad ang mga kwalipikadong aplikante na galing sa mga kinokonsiderang Poverty-Stricken Areas sa Pilipinas. Gayunman, muling ipinauunawa na ang pagkasama ng pangalan sa Listahan ay hindi garantiya ng pagtatrabaho sa Korea sapagkat ang employers ang siyang pipili mula sa Listahang ipinadala ng POEA sa Human Resource Development Service ng Korea (HRD Korea) sa pamamagitan ng Internet. Proseso ng Pagkuha ng Medical Certificate. Magsadya sa pinakamalapit na medical clinic na accredited ng Department of Health para sa overseas Filipino workers. Para sa blood test na gagawin, ipinaaalala na kailangang huwag kumain sa loob ng 8 oras hanggang makuhanan ng dugo kinabukasan at magdala ng stool specimen. Sumailalim sa medical examination na itinatakda ng Korean Government. Ito ay kinabibilangan ng basic pre-employment medical examination at karagdagang medical tests. Magbayad ng medical examination fee sang-ayon sa itinakda ng Department of Health para sa manggagawang patungo sa Korea sa ilalim ng EPS. Alamin kaagad ang resulta ng medical examination mula sa clinic. Ang mga pasado lamang sa medical ang maaaring mapabilang sa Listahan. Standard Medical Tests para sa Korean EPS A. Basic pre-employment medical examinations: Complete physical examination, including visual acuity for left and right eyes (pagsusuri ng 2 mata); Chest x-ray using plates not smaller than 11” x 14”; Complete blood count (CBC) including hemoglobin/hematocrit determination; Blood typing; ABO; RH; Stool examination; Psychometric evaluation; Urinalysis; at Dental. B. Additional medical examinations: Liver Function Tests: (pagsusuri ng atay); SGOT; SGPT; Total Cholesterol; VDRL; HIV/AIDS Test; Hepatitis Antigen (HBs Ag); Audiometry; at Ishihara Color Vision Test C. For Females: Pregnancy Test D. For aged 40: ECG Haba ng Pagtatrabaho sa Korea. Sa EPS, maaaring makapagtrabaho ng legal sa Korea hanggang tatlong (3) taon. Ang kontrata ay kailangang i-renew bawat taon. Pagkatapos nito, kailangan munang umuwi ang manggagawa at mag-apply muli pagkatapos ng isa o mahigit na taon kung hindi pa lampas sa edad. Pre-Employment Training para sa taong 2004. Matapos mapili ng Korean employer at pumirma ng standard labor contract, ang mga manggagawa ay kailangang makatapos ng 150-oras na pre-employment training upang mag-aral ng Korean language (80 oras) Korean culture at ukol sa EPS (20 oras) at iba bang kasanayan tulad ng industrial health and safety at special subjects ukol sa sector na kinabibilangan (50 oras). Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), itinakdang training entity para dito ang magkakaloob ng certificate of training na kailangang dalhin ng manggagawa sa Korea. Korean Language Proficiency Test. Simula sa Agosto 17, 2005, ang Korean Government ay magpapatupad ng Korean Language Proficiency Test para sa mga nagnanais mapabilang sa Listahan ng Aplikante para sa EPS. * * * Sa susunod na isyu na natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa mga panibagong paglilinaw ukol sa Korean EPS gayundin ang tuwirang pag-amin ng chairman ng OFW-IMC na sila ay nagsasagawa ng investment solicitation na isinagawa rin ng OFW Net Foundation, Inc. at ng kanilang marketing arm na OFW International Holdings, Inc. kung kaya’t sila ay iniimbestigahan ng SEC. * * * Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # #



08/18/04 21:17:35 GMT
Name: Lita Rosario
MY URL: Visit Me
Location: Baguio City

Comments:
I am one of your avid readers of your column Boses ng Pamilyang OFWs in Imbestigador coz it gives me the information that I need as a future OFW. More power on your column!



08/17/04 21:25:58 GMT
Name: Roland Espiritu
MY URL: Visit Me
Location: Cavite City

Comments:
More power sa inyong foundation!



08/16/04 19:21:58 GMT
Name: Pete Valerio
MY URL: Visit Me
Location: Laguna

Comments:
Nagbabakasyon ako ngayon dito sa amin sa Laguna. Nabisita ko ang inyong website at ako ay namangha sa mga achievement ng inyong foundation.Papupuntahin ko sa inyong opisina ang aking misis at dalawang anak upang magpa-member sa inyong foundation. Mabuhay kayo!!!



08/15/04 20:16:24 GMT
Name: Carol Advincula
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Congratulations! I am one of the regular members of the GPI-Pamilyang OFWs Network here in Hong Kong and we are glad that we are the only organization that is active in organizing events aimed at transforming the OFW families into SMEs. Mabuhay tayong mga pamilyang OFWs!



08/15/04 00:26:59 GMT
Name: Gilbert Ong
MY URL: Visit Me
Location: Davao City

Comments:
I expect to read your column through this website regularly. It is very informative to us OFWs and our family. More power!



08/14/04 22:23:33 GMT
Name: Jennifer Perez
MY URL: Visit Me
Location: Pangasinan

Comments:
I am regularly browsing your website and I must admit that the information here are informative. Mabuhay kayo sa inyong magandang adhikain!



Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  Page 52  
Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13   Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet