Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53   Page 52  
Page 51  Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13   Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



08/11/04 19:55:45 GMT
Name: George A. Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
Bilang tugon sa kahilingan ng ating mga kapamilyang OFWs na mabasa sa ating website ang kolum ng inyong lingkod sa Imbestigador ay matutunghayan na ninyo ito nang regular simula sa araw na ito. Marami pong salamat sa inyong pagtangkilik. Kung nais po ninyong bumati sa inyong mga kamag-anak dito sa Pilipinas o kaya ay sa abroad, pwede rin ninyong gamitin ang Guest Book. Tunghayan na po ninyo ang mga pinakabagong nilalaman ng aking pitak sa nasabing pahayagan: BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Wednesday (August 11, 2004) issue Secondary License ng SEC kailangan sa investment solicitation campaign! Mahalaga ang pagkakaroon ng Secondary License mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) ng isang kompanya upang maging legal ang kanilang isinasagawang investment solicitation campaign. Ito ang binigyang-diin ko sa ipinadala kong e-mail message kay Antonina “Tonette” Binsol, chairperson ng Overseas Filipino Workers-International and Management Corporation (OFW-IMC), noong nakaraang Biyernes ng umaga. Para sa kabatiran ng ating mga kapamilyang OFW na sumusubaybay sa ating expose sa investment scams, narito ang nilalaman ng aking mensahe kay Tonette: Good morning, Antonina! I received your e-mail message yesterday afternoon but was unable to reply ASAP because I had to attend to my meetings re: our forthcoming events this November and December at the SM Megatrade for the OFW and SME families. I also received your company's SEC registration. As regards your office in Manila, can you give me the contact person and number so that I can also communicate with them. Besides anchoring a radio program entitled "Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau" which is broadcast over DZRJ 810 AM every Saturday, from 3 to 4 p.m., I also write a column every Monday, Wednesday and Friday in IMBESTIGADOR publication which is entitled "Boses ng Pamilyang OFWs." The other week, our DZRJ public service program's title was changed to TIRIS (acronym of Task force against Illegal Recruitment and Investment Scams) to address the two major problems of the OFWs and their families -- illegal recruiters and investment scammers. Please be informed that my group has organized expositions for the OFW families from 1994 to 2001. Starting 2002, we formed the Pamilyang OFW-SME Network Foundation, Inc. to organize events aimed at transforming the OFW families into entrepreneurs. (You can visit our website: pamilyangofw-sme.com). One of our objectives is to give the OFW and SME families an update on the anti-illegal recruitment and investment scams in coordination with the government, non-government organizations and the OFW families. We also give tips to them so that they will not become victims of illegal recruiters and investment scammers. In our last year's exposition, we received complaints and inquiries from the OFWs and their families regarding the proliferation of investment scams targetting them. In the said exhibition, OFWs inquired about the legality of the investment solicitation campaign of the OFW Net Foundation, Inc. and the OFW International Holdings, Inc. We coordinated with the Securities and Exchange Commission and we found out that they also received inquiries from OFWs regarding the legality of the investment soliciation campaign of the officers of the two groups. They told us that the OFW Holdings was registered with SEC but they do not have a Secondary License which is a requirement for them to make their business operations legal. To cut the story short, their investment solicitation is illegal. In response to this, the SEC came out with a press release which was published in the Philippine Star and the Manila Times. (You can log to yahoo, then type in search the word "OFW International Holdings, Inc." and you will see the news releases which I just mentioned to you.) After our exposition, we received many complaints from the OFW and SME families who were victimized by investment scammers. The companies they mentioned include Powerhomes, Mateo Management, Tibayan Management, Euro-com, CITP New Century International, OFW International Holdings, Inc. and your company. (The other day, 4 officers of the CITP were arrested by the Eastern Police District after some of the 2,000 OFWs filed a case against them of large-scale estafa and violation of the Securities Regulations Code. The OFWs based in Hong Kong, Singapore and the Middle East invested US$26 million or P1.440 billion). Some of the firms which I mentioned were registered with the SEC but were charged by the said government agency because they solicited investments from the public, which included the OFW families, without the Secondary License. Some of the firms, including the OFW Holdings, used the internet in their solicitation activities which according to our source at the Bangko Sentral ng Pilipinas is illegal. We saw in your website that those who will visit your website may invest. Our advise to you, if you want to solicit investment publicly by the use of internet, is to get a Secondary License from the SEC. You will note in your SEC Certificate of Incorporation that "This Certificate grants juridical personality to the corporation but does not authorize it to undertake business activities requiring a Secondary License from from this Commission......." I'm interested to help you promote your organization, as long as what you are doing is legal. In fact, we are helping government agencies (POEA, OWWA, NSO, NBI, NSO, DTI, DOT, etc.), non-government agencies and private corporations to promote their services through the events that we organized and in our radio program. I'm also interested to attend your meeting but please send me an invitation through e-mail and don't forget to include the agenda. I hope I had enlightened you on what our objectives are and I expect your response on this e-mail message. Sincerely yours, GEORGE ARBAN ARRIOLA President, Pamilyang OFW-SME Network Foundation, Inc. * * * Samantala, muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at ang Task Force against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS – sa pakikipagtulungan sa Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force na pinamumunuan ni Chairman Reynaldo Jaylo at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan – na kayo ay asistehan upang makamit ninyo ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Monday (August 9, 2004) issue OFW-IMC, nilinaw na mayroon silang SEC license Noong Huwebes nga pala ng umaga ay nakatanggap ako ng international call mula kay Antonina Binsol, chairperson ng Overseas Filipino Workers-International and Management Corporation (OFW-IMC). Magugunita ninyo na ibinulgar ko sa mga nakaraang kolum na ang OFW-IMC ay nangangalap ng investment sa ating mga kababayang OFWs gamit ang internet nang walang kaukulang lisensiya mula sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ayon kay Antonina, na ang tawag ay nagmula pa sa Japan, mayroon silang SEC Certification kaya’t mali ang aking ibinalita na sila ay walang lisensiya. Sinabi ko naman sa kanya na makaraang matanggap ko ang e-mail ni Rolando T. ng Saudi Arabia na nagtatanong kung legal ang operasyon ng OFW-IMC dahilan sa siya ay nagdududa sa investment solicitation activities nito ay agad kaming nag-verify sa SEC at ang kanilang naging tugon ay hindi pa ito rehistrado. Sinubukan din namin itong i-check sa SEC website at ang lumitaw ay walang rehistradong pangalan ng kompanya na OFW-IMC. Hinahanap naman namin sa OFW-IMC website ang kanilang address dito sa Pilipinas pero wala namang nakalagay doon. Bilang serbisyo publiko at upang maalerto ang ating mga kapamilyang OFWs at sa pakiusap na rin ni Rolando T. ay ibinulgar namin ang kanilang illegal na pangangalap ng pondo na gamit ang internet. Magugunita ninyo na ang isinagawang pangangalap ng pondo ng OFW Net Foundation, Inc. at ng marketing arm nito na OFW International Holdings ay ibinulgar natin at ito ang naging dahilan upang sila ay imbestigahan ng SEC. Bagamat may SEC Certificate, na nangangahulugang rehistrado, ang OFW Holdings ay wala namang Secondary License upang mangalap ng investment sa publiko, kabilang na ang pamilyang OFWs. Sa madaling sabi, ang pangangalap nila ng pondo ay illegal. Sa pag-uusap namin ni Antonina ay tinanong ko siya kung saan ang kanilang address sa Pilipinas pero hindi siya agad nakasagot. Ang sabi niya ay sa may España pero nang tanungin ko siya kung ano ang eksaktong address ay aalamin pa raw niya. Nagulat ako sa kanyang tugon dahilan sa siya ay chairman ng OFW-IMC pero hindi niya alam ang address ng kanilang head office. Sinabi ko kay Antonina na i-e-mail na lang niya sa akin ang kanilang SEC Certificate gayundin ang kanilang address sa Pilipinas at pahayag bilang paglilinaw sa ginawa nating expose. Para sa kabatiran ng ating mga kapamilyang OFWs na sinusubaybayan ang ating expose sa investment scams, ang mga sumusunod ay ang natanggap kong e-mail mula kay Antonina: Hello, George! Our company's SEC registration number is CS200316756 issued on 29 July 2003. Our registered address is: 960 Algiceras St., Sampaloc, Manila Our first project will start its operations next month as it underwent a reconstruction of a mudcrab hatchery in Baliangao, Misamis Occidental and its capital is nearing 3 million pesos based on our latest financial reports. Our setup is a cyber entity and because, we're not residing in the Philippines, we use the internet in all our transactions and ratifications and validity of our decisions and resolutions will be manifested in our first general assembly which will be held on August 28. If you are interested to join us, please come. Attached herewith is the scanned SEC registration certificate. We do hope that folks back home assist us instead of reprimanding too much from what we can't assume physically so much so that we are working outside the country and we only have this hope to help the country in our own little ways with so many limitations. If there are problems still, please channel all your communications to me. As much as possible, I had approached you as a concerned OFW. If there are technicalities or minor issues to address, please let us know. I adjudged that your foundation had been established to guide and not destroy OFW initiatives. Thank you very much. Antonina Binsol Chairperson OFW-IMC * * * Sa susunod na isyu ay mababasa ninyo ang naging tugon ko sa e-mail message ni Antonina. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Friday (August 6, 2004) issue Bilyong piso ang natangay ng investment scammers sa OFWs! Pangunahing target ng investment scammers na kumbinsihin ang mga OFW upang sila ay maglagak ng puhunan sa kanilang investment solicitation activities. Magugunitang marami na tayong ibinulgar na illegal investment activities ng mga kompanya na tumangay sa pinaghirapang kita ng ating OFWs gayundin ng kanilang pamilya na tumatanggap ng remittance. Tulad ng illegal recruiters, matatamis din ang dila ng investment scammers kaya’t madali silang makakumbinse ng ating mga kababayan na agad na nagtitiwala sa kanila. Ang isa rito ay ang kaso ng CITP New Century International na idinulog sa atin ng isang OFW at kanyang pamilya na nag-invest sa nasabing kompanya ng kulang sa P.5 milyon. Kamakalawa ay napabalitang 2,000 OFWs na nagtatrabaho sa Hong Kong, Singapore at Middle East ang natangayan ng tinatayang US$26 milyon (P1.440 bilyon sa palitang P56 sa US$1) ng CITP. Ang mga opisyal ng CITP na naaresto ay kinilala ni Eastern Police Director Oscar Valenzuela na sina Edna Monteplo, Melinda Navarro, Cesar Rodea at Sarra Fernandez. Samantala, pinaghahanap pa ang kanilang anim na kasamahan na nakilalang sina Kimeldis Abdumajid, Buena Racelis, Ramon Gonzales, Juliana Hajhil, Lily Castor at Sharmaine Abdulla. Ang modus operandi ng CITP ay ang kumumbinse ng OFWs na mag-invest ng US$340 bilang enrolment fee at pagkatapos nito ay pwede na silang mag-recruit nang mula 5 hanggang 8 OFWs na mag-i-invest din ng US$340. Sa nasabing transaksyon ay kikita sila ng US$20 tubo kada buwan. Ayon sa mga biktima, may ilang buwan lang silang nakatanggap ng tubo at pagkatapos nito ay wala na silang natanggap. Nang i-check nila sa Securities and Exchange Commission (SEC) kung nakarehistro ang nasabing kompanya ay napag-alaman nila na hindi ito rehistrado. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong large-scale estafa at paglabag sa Sec. 8 ng Securities Regulations Code samantalang ang mga biktima ay hindi naman malaman kung kailan mababawi ang kanilang investment. * * * Ang tinalakay natin ay ang kaso pa lamang ng CITP na pyramiding o investment scam pero ang halagang pinag-uusapan ay bilyong piso na. Hindi pa kasama rito iyong bilyong piso pa na tinangay ng ilan pang investment syndicates na bumiktima sa OFWs at kanilang pamilya na naririto sa bansa. Sa aming palagay, kung may massive information dissemination campaign na isinasagawa ang pamahalaan upang hindi mabiktima ang ating mga kapamilyang OFW ng investment scammers ay tiyak na mababawasan ang malaking bilang ng mga naloloko. Bukod sa info dissemination, dapat na magpalabas kaagad ng advisory ang Department of Trade and Industry at SEC sa oras na may inireklamo sa kanilang kompanya na kanilang iimbestigahan. Kailangan na regular din na magpalabas ang mga nasabing ahensiya ng update sa kanilang imbestigasyon na ilalathala sa mga pahayagan at isa na ang IMBESTIGADOR na tiyak na susuporta dito. * * * Samantala, interesado ang mga nagbabalak, nagbabakasyon at dating OFWs gayundin ang kanilang pamilya na maging entrepreneur. Ang interes na maging negosyante ay ipinakita ng pamilyang OFWs na bumisita sa 3rd Pamilyang OFWs-SMEs Expo at dumalo sa 1st Pamilyang OFWs-SMEs Congress na ginanap noong Hulyo 16-18 sa Megatrade Hall 2 ng SM Megamall sa Mandaluyong City. Mahigit sa 4,000 pamilyang OFWs at SMEs ang dumalo sa tatlong-araw na aktibidad na inorganisa ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation, Inc. na suportado naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senator Manuel Villar, Jr., Trade and Industry Secretary Cesar Purisima at iba pang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pamilyang OFWs at SMEs. * * * Muli ko nga pala kayong iniimbitahan bukas na makiisa sa ating programang TIRIS (Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams) na kung saan ay magbibigay ang inyong lingkod ng update sa anti-illegal recruitment at anti-investment scams campaign ng pamahalaan. Bukod rito, magbibigay din tayo ng mahahalagang impormasyon sa pamilyang OFWs na gustong maging entrepreneur. Ito po ay inyong mapapakinggan tuwing Sabado, simula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon, sa DZRJ 810 AM. * * * Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Wednesday (August 4, 2004) issue Ang maganda at masamang balita sa pagtatrabaho sa abroad ng Pinoy nurses May magandang balita ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa ating mga nurse at iba pang medical personnel pero ito’y may kaakibat naman na masamang balita sa ating mga mamamayang Filipino. Ang uunahin muna natin ay ang magandang balita. Kasalukuyang isinasagawa na ng POEA ang pangangalap ng halos 2,000 nurses at iba pang medical personnel para ipadala sa Kingdom of Saudi Arabia. Sa ulat na nakarating kay Labor and Employment Secretary Patricia A. Sto. Tomas, nakasaad na ang Saudi Ministry of Health ay mahigpit na nangangailangan ng mga kuwalipikadong aplikante para sa mga nabanggit na posisyon. Ayon sa statistika ng POEA, umabot sa 169,011 land-based overseas Filipino workers ang nakuha o muling kinuha para magtrabaho sa Saudi Arabia noong nakaraang taon. Sinabi pa ng POEA na matindi ang pangangailangan ng Saudi Ministry of Health sa mga kuwalipikadong aplikante para sa kanilang 40th Delegation. Ang kanilang kailangan ay 1,500 babaeng nurses, 100 babaeng ICU at NICU nurses, 50 lalaki o babaeng CT Scan technicians, 50 lalaki o babaeng Magnetic Resonance Imaging (MRI) technicians, 50 Nuclear Medicine technicians, 50 Angiography and Interventional Radiology technicians, 100 babaeng dental assistants, 50 lalaki o babaeng technicians at 50 babaeng respiratory therapists. Bilang serbisyo publiko ng IMBESTIGADOR at BOSES, ang mga aplikante ay dapat na may mga sumusunod na kuwalipikasyon: 1. Tapos ng nursing, dental, o mga naaangkop na technician courses; 2. Lisensiyado, maliban sa dental technicians at Muslim applicants; at 3. Nakapagtrabaho na sa isang ospital ng dalawang taon, maliban sa mga babaeng nurse o Muslim applicant Kailangan na ang isang kuwalipikadong aplikante ay personal na magsusumite ng kanyang detalyadong resume na may kasamang job description sa Manpower Registry Division; Window I, Ground Floor, Blas F. Ople Building (dating POEA Building), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City, at magdala ng mga sumusunod na requirements: anim na 2x2 pictures, photocopy ng high school at college diploma, photocopy ng board rating at certificate/Professional Regulation Commission ID, photocopy ng employment certificate, marriage contract para sa mga babaeng aplikante na may asawa, at Office of Muslim Affairs certificate para sa mga Muslim applicant. Ang deadline ng pagsusumite ng application ay sa Setyembre 15, 2004. * * * Ito naman ang masamang balita. Bagamat may magandang oportunidad na naghihintay sa ating mga kababayang nurse at medical personnel sa Saudi gayundin sa iba pang bansa na nangangailangan ng kanilang serbisyo ay hindi nararapat na ipagsawalang-bahala na lamang ng pamahalaang Arroyo ang posibilidad na ito ay magbunga ng kawalan ng sapat na nurse sa ating mga lokal na pagamutan. Kapag ito ay nangyari ay mas kaawa-awa tayong mga mamamayang Filipino na mangangailangan ng kanilang serbisyo. Dapat na pagtuunan agad ng pansin at resolbahin ng pamahalaang Arroyo ang patuloy na exodus ng ating mga nurse at medical personnel at nang hindi ito maging malaking problema sa mga susunod pang taon. * * * Samantala, muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at ang Task Force against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS – sa pakikipagtulungan sa Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force na pinamumunuan ni Chairman Reynaldo Jaylo at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan – na kayo ay asistehan upang makamit ninyo ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Monday (July 12, 2004) issue Media nakuryente kay Sec. Sto. Tomas! Galak na galak ang pamilya ni Angelo dela Cruz gayundin ang iba pa nating kapamilyang OFWs makaraang magpahayag sa media kamakalawa ng gabi si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas na ligtas na ang kababayan natin na truck driver na hinostage ng Islamic Army ng Iraq-Khalid bin al-Waleed Brigade. Pero ito’y pansamantala lamang dahilan sa ang mga Muslim extremist na bumihag kay Angelo ay nagpalabas ng pahayag sa Arab television station Al-Jazeeera na hindi pa rin nila ito pinawawalan at ang pinakabagong balita ay ang pagbibigay nila ng 24-oras na extension sa kanilang banta na bibitayin ang ating kababayan kapag hindi pinaalis ni Pangulong Arroyo ang ating tropa sa Iraq. * * * Dapat na i-check munang mabuti ni Sto. Tomas ang kanyang ibinabalita laluna at napaka-sensitibo ang nasabing isyu. Maging ang ating mga kasamahan sa media ay dapat din na mag-double check din upang hindi naman umasa sa “koryenteng balita” ang milyon-milyon natin na mga kapamilyang OFW na nagmo-monitor sa mga kaganapan sa nasabing bansa. Samantala, hanga ang pitak na ito kay Compostela Valley Rep. Manuel “Wa’y Kurat” Zamora nang ipangako niya kamakalawa na ang kalahati ng kanyang buwanang sahod ay kanyang ido-donate sa pamilya ni Angelo. Ayon kay Zamora, simula sa Agosto ay ibibigay niya ang P17,500 na sahod niya sa pamilyang De la Cruz maski na pawalan pa si Angelo ng mga bumihag sa kanya. Kaugnay nito, nananawagan ang inyong lingkod na ipagpatuloy natin ang panalangin para sa kaligtasan ni Angelo at ang pagbabago sa posisyon ng ating pamahalaan na pauwiin na ang ating trop sa Iraq. * * * Noong Biyernes ay itinalaga ni Pres. Arroyo si dating police Capt. Reynaldo Jaylo bilang pinuno ng bagong Presidential Task Force on Illegal Recruitment. Sa ginanap na Overseas Employment Summit 2004 sa Philippine International Convention Center, ipinahayag ng Pangulo na nilagdaan na niya ang Executive Order na lumilikha sa task force na pinaglaaanan din ng panimulang budget na P10 milyon. Sinabi ng Pangulo sa mga nagtipon, na binubuo karamihan ng mga opisyal ng paggawa, mga kinatawan ng legal na placement agencies at mga grupo ng OFWs na tutugisin ni Jaylo ang mga illegal recruiter at pananagutin sila sa kanilang kasalanan. Iniutos ni Pangulong Arroyo kay Jaylo na tugisin ang mga gumagawa ng pekeng passport, mga pekeng visa at nagdadala ng mga babae na parang mga baka sa mga nightclub. Iniatas din niya na ibunyag ang mga tiwaling airport at immigration officials na may kagagawan sa tinatawag na “escort system.” * * * Panalangin ng inyong lingkod na sana ay maging matagumpay ang nasabing task force sa pagsugpo sa mga illegal recruiter na tila walang takot sa mga awtoridad. Noong nakaraang linggo lamang ay binalaan ni Sto. Tomas ang mga gurong interesadong magtrabaho sa ibang bansa na huwag magpaloko sa mga illegal recruiter na gumagamit ng internet upang kuwartahan sila at isadlak sa mahirap at mapanganib na trabaho. Reaksyon niya ito matapos makatanggap ng ulat na sa Beijing, China-based group na kinilalang "Australia-China Cultural Interchange Foundation" o "ACCIF" ang gumagamit ng internet upang makaakit ng mga English language Filipino teachers at maipadala sa hindi kanais-nais na kondisyon sa China. Maraming pamamaraan ang mga illegal recruiter upang makapanloko at kabilang na rito ang paggamit ng mga modernong sistema tulad ng internet kaya’t dapat ay i-monitor din ito ng grupo ni Jaylo gayundin ang patuloy na pamamayagpag ng “escort system.” * * * Samantala, inaanyayahan ko ang mga mambabasa ng IMBESTIGADOR na gusto, nagbabakasyon o dating OFW gayundin ang kanilang pamilya na dumalo sa mga libreng seminar na pangkabuhayan sa gaganaping 3rd Pamilyang OFWs-SMEs Expo at 1st Pamilyang OFWs-SMEs Congress na sabay na isasagawa sa Megatrade Hall 2 sa SM Megamall sa may Mandaluyong City sa Hulyo 16-18. Ang pangunahing layunin ng dalawang aktibidad na inorganisa ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation, Inc. ay ang transpormasyon ng pamilyang OFWs bilang mga entrepreneur o negosyante na solusyon hindi lamang sa matagal nang OFW reintegration problem gayundin sa problema sa trabaho na kinakaharap ng ating kababayan. Dahilan sa ang mga seminar sa tatlong-araw na okasyon (na magsisimula sa alas-10 ng umaga hanggang sa alas-7 ng gabi) ay limitado lamang sa 300 ay kailangan ang pre-registration. Tumawag lamang po kayo sa tel. Nos. 912-58-03 o 437-16-60 para sa libreng rehistrasyon. * * * Samantala, muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at ang ating Task Force against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # #



08/11/04 18:34:44 GMT
Name: Fe Aguirre
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Palagi po akong nagbabasa ng inyong kolum sa Imbestigador noong nagbakasyon ako sa Pilipinas noong nakaraang linggo. Pagdating ko dito sa Hong Kong ay naghanap ako ng Imbestigador pero wala akong makita. Sana kung wala man dito na kopya ng inyong pahayagan ay mabasa namin ito sa inyong website. Marami pong salamat!



08/08/04 11:50:47 GMT
Name: Thelma Villegas
MY URL: Visit Me
Location: Malolos City, Bulacan

Comments:
I hope you will continue your expose of illegal recruiters and investment scammers in Imbestigador and in DZRJ. Mabuhay ka!



08/06/04 20:31:36 GMT
Name: Efren Gomez
MY URL: Visit Me
Location: Iba, Zambales

Comments:
Ngayon lang po ako nakabisita sa inyong website at ako ay impressed sa inyong mga accomplishments. Mabuhay kayo!



Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53   Page 52  
Page 51  Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13   Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet