|
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
...For Monday (December 15) issue...
Mabagal na imbestigasyon sa OFW Int’l Holdings, kinondena (2) at 15 recruitment agencies kinansela ng POEA ang lisensiya...
Narito ang karugtong noong Biyernes ng natanggap ng IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na e-mail message (gearcom@philonline.com) mula sa ating kapamilyang OFW na si Henry C. na may kinalaman sa “investment solicitation activities” ng OFW Net Foundation, Inc. at ng marketing arm nito na OFW International Holdings, Inc. na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng Securities and Exchange Commission (SEC):
Q: What is/are the difference/s between OFW International Holdings and Multitel, MMG, TMG, etc.?
A: We have actual operating units.
My Comment: OFW Holdings' operations was not compared to pyramiding companies like Multitel, MMG and TMG so there is no need to elaborate on the difference. Financial statements are available in a timely and accurate manner. They are made available to stockholders as mandated by law and jurisprudence.
Q: How about transparency?
A: Financial statements are provided to directors and stakeholders on a periodic basis.
My Comment: In my six-month stay with OFWNet/OFWHoldings as a member "on probation," I never saw any periodic financial statement issued. In fact, I had always advocated transparency and accountability internally within OFWNet/OFWHoldings but my pleas fell on deaf ears or the replies were that the information I requested were confidential in nature. In most companies maintaining their websites, annual financial reports and periodic review of operations are published as a part of investor services for the information of everybody, including prospect investors. Why can't OFW Holdings do the same?
Q: What are your present and planned activities?
A: Our currently operating SBUs (small business units) include ...
My Comment: May we know the respective ROIs for these currently operating SBUs? If I were an investor, when do I expect to earn from my investment?
* * *
Magbibigay ang kolum na ito ng update sa imbestigasyong isinasagawa ng SEC sa OFW International Holdings, Inc. sa lalong madaling panahon kaya’t antabayanan po ninyo ang itinuturing ng IMBESTIGADOR at TIRIS na isa sa mga malalaking investment scams na ang target ay ang ating mahigit sa 7 milyon na modern-day heroes at kanilang pamilya.
* * *
Samantala, kinansela kamakailan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lisensiya ng 15 land-based recruitment agencies makaraang mapatunayan na lumabag ang mga ito sa 2002 Rules and Regulations Governing the Recruitment and Employment of Landbased Workers.
Sa isinumiteng memorandum ni POEA Administrator Rosalinda Dimapilis-Baldoz kay Secretary Patricia A. Sto. Tomas ng Department of Labor and Employment, sinabi nito na kinansela niya ang lisensiya ng mga ahensiya dahilan sa mga grabeng paglabag sa mga probisyon ng 2002 Rules and Regulations.
Ang mga nakansela ang lisensiya ay ang sumusunod: AIMS World Management Corporation, BAPP’S International Manpower Inc., Bloomingfield Manpower & General Services, Darwin Manpower International Services, Expedition International Placement Phils., Humanlink Services & Placement Agency, Integrity Placement Inc., MEI Placement International, Philca Manpower and Placement Agency, Philcon Employment Agency, RF Horizon Agency, Sambarr Employment Agency, Sandawa International Placement Agency, Y2K Employment Agency Inc., at Zion Express Placement.
Dahilan sa pagkakansela ng lisensiya, ang pangalan ng mga may-ari, opisyal at direktor ng mga nabanggit na ahensiya ay mapapabilang na sa talaan ng POEA ng may masasamang rekord at sila ay hindi na papayagang makapagtayo o makapagtrabaho sa iba pang recruitment agency. Kaugnay nito, binalaan ni Baldoz ang publiko na huwag makikipag-transaksyon sa mga nasabing ahensiya dahilan sa hindi na sila pinapahintulutan ng POEA na makapag-recruit at makapagpaalis ng OFWs. Hinihikayat din niya ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na i-report sa POEA, sa pamamagitan ng kanilang hotlines na 722-1144 and 722-1155, ang sa kanilang palagay ay illegal recruitment activities.
Para sa inyong komentaryo o iba pang reklamo, text lang po kayo sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-742-1768. Matutunghayan din po ninyo ang pitak na ito sa guest book ng website na pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs!
| Name: Jun Evaristo |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Tacloban City |
Comments:
Nabasa ko sa Manila Bulletin ang tungkol sa inyong foundation at gusto kong maging member. Paano ba maging member? Magkano ang membership fee?
Pakisagot lang po. Maraming salamat.
| Name: EVELYN BAUTISTA |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Laguna |
Comments:
Magaganda po ang inyong proyekto at interesado ako na mag-member. Magtutungo na lang po ako sa inyong opisina sa susunod na linggo upang magpa-member.