|
| Name: Benjie De Guzman |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
Good morning to all the officers and members of the POFW-SMENFI. I was able to read some of your activities there in Mandaluyong City and I'm glad that your foundation is helping us OFWs aware of the various opportunities through the events that you organized. Expect me to attend your activities and sign up as a regular member as soon as I arrive there in November. More power to your organization.
Benjie de Guzman
| Name: Miriam C.Diaz | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
Nakabasa ako ng mga events sa magazine about pamilyang OFW. I was an OPA gusto ko sanang mag start ng isang business pero wala akong idea kung paano ito sisimulan. How can I join your seminar.
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs sa IMBESTIGADOR
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For Wednesday (Oct. 8) issue
Aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas
sa investment scams, inihayag...
Bibigyan ng IMBESTIGADOR ng espasyo ang aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa investment scams na kinasasangkutan ng maraming OFW. Ang nasabing aksyon ay bahagi ng mensahe ni BSP Deputy Director Evelyn Santos sa pamilyang OFWs na dumalo kamakailan sa Filipino Seafarers Family Trade Fair 2003 at Pamilyang OFWs-SMEs Job, Livelihood and Investment Expo 2003 sa Starmall sa Mandaluyong City. Ang talumpati ni Director Santos, na kumatawan kay BSP Governor Rafael Buenaventura, kaugnay ng investment scams ay ang mga sumusunod:
“We in the BSP recognize the significant contribution of our hard-working overseas Filipino workers to our economic growth. Ang remittances ng humigit-kumulang sa 8 milyong OFWs ay malaking tulong upang maiangat ang ating ekonomiya.
“Sa unang bahagi ng taong 2003, ang paglago ng ating ekonomiya ay naitalang 4.8 percent kabilang na ang remittances ng mga OFWs at 3.9 porsyento lamang kung hindi naman ibibilang ang remittances mula sa kanila.
“Recognizing the important role played by our OFWs, the BSP has undertaken measures to address the problems and concerns of OFWs. Isa na dito ang mga investment scam na kinasasangkutan ng marami sa ating mga OFW na nagdulot sa kanila ng malaking kawalan at kalugihan. Ang Bangko Sentral ay nagpaabas na ng babala noong Hulyo 31, 2003 hinggil dito.
“Ayon sa napag-alaman ng BSP, may ilang hindi lehitimong grupo ang nangangalap ng pondo sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng internet at roadshows. Diumano, ang pondo ay magiging ‘equity contributions’ nila para sa isang bangkong itatatag na magiging kanilang pag-aari. Dapat malaman ng ating mga kababayan na ang mga gawaing ganito ay nangangailangan ng kaukulang pahintulot mula sa Securities and Exchange Commission at BSP upang ito ay maging legal. Hindi sapat na ang mga grupong ito ay naka-rehistro sa SEC at bagkus ay kailangang mabigyan muna sila ng autorisasyon ng SEC bago pa sila makapangalap ng pondo sa publiko. (Para sa kabatiran ng ating mga mambabasa, ang tinutukoy ng BSP ay ang OFW Net Foundation, Inc. at ang marketing arm nito na OFW International Holdings, Inc. na patuloy pa ring nagso-solicit ng pondo para sa umano’y kanilang itatayong bangko sa taong 2006).
“Sinuman ang mapatunayang nangangalap ng pondo na labag sa batas na patungkol sa banking at quasi-banking ay papatawan ng multa na hindi bababa sa P50,000 at hindi hihigit sa P200,000 o pagkakulong na hindi bababa sa 2 taon at hindi hihigit sa 10 taon, sang-ayon sa New Central Bank Act (R.A. No. 7653.)
“Ang BSP ay nagpatupad pa ng ilang mga hakbang upang masugpo ang investment scams. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Paglagda sa isang memorandum of agreement sa SEC at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Justice, Department of Trade and Industry, Bureau of Internal Revenue, Anti-Money Laundering Council, at Bureau of Immigration hinggil sa pagpapatupad ng mga nararapat na hakbang upang masugpo ang paglaganap ng mga “get-rich schemes.
2. Pagbibigay ng advisory sa lahat ng bangko upang paalalahanan silang higpitan ang “know your customer” programs hinggil sa mga request ng mga depositor para sa check booklets. Napag-alaman ng BSP na mga post-dated check ang ginagamit na pambayad sa mga investment scam; at
3. Pagkakabilang sa Task Force na binuo ng House Committee on Trade and Industry upang magsagawa ng mga paraaan sa pagsugpo ng mga pandaraya o scams.”
Inaasahan ng inyong lingkod na makatutulong ang mga nabanggit na impormasyon upang mabawasan ang insidente ng investment scams. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang Pamilyang OFWs!
| Name: Luis Soriano |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Cotabato City |
Comments:
Nababasa ko ang mga press release ninyo tungkol sa Starmall expositions sa Mandaluyong City. We hope your group will hold an exposition here in Cotabato City. More power to you!
Luis Soriano