Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53   Page 52  
Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17  Page 16   Page 15   Page 14   Page 13   Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



04/01/03 23:33:16 GMT
Name: POFW-SMENFI MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
Expo to empower OFW and SME families slated at the PTTC An exposition aimed at empowering the overseas Filipino workers (OFWs) and small and medium entrepreneurs (SMEs) as well as their families through information, opportunities and benefits is slated at the Philippine Trade Training Center in Pasay City on June 27 to 29, 2003, it was announced yesterday by the Pamilyang OFWs-SMEs Network Foundation, Inc. (POFW-SMENFI). POFW-SMENFI President George Arriola said the event is the second Philippine one-stop-shop exhibit and conference for the OFW and SME families. The POFW-SMENFI holds office at No. 53 18th Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City with tel. no. 912-58-03 and 437-16-60 and e-mail address: gearcom@philonline.com. Arriola said the expo is in support of Pres. Gloria Macapagal-Arroyo’s concern for the welfare and benefit of the country’s eight million plus OFWs and their families as well as in response to the government’s efforts to support the development of SMEs. The OFWs or “modern-day heroes,” who remitted $8 billion plus annually to their families here, contributed to our country’s economic growth and sustainable development. On the other hand, the SMEs or “engines of economy” continue to provide the much-needed boost to our economy. Despite the prevailing economic slowdown worldwide, the SMEs continue to provide jobs and create wealth. Arriola said with the expo’s theme “OFW and SME Families Gear Up for the Global Market,” the thrust of the event is to provide the OFW and SME families with vital information on the various job, livelihood, investment and business opportunities being offered by the government and private sectors. Statistics from the National Statistics Office revealed that the remittances from OFWs is not only the driving force behind consumer spending but it also spurred the development of micro-businesses that now account for over 90 percent of all businesses in the country.



04/01/03 23:10:34 GMT
Name: POFW-SMENFI MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For April 2 (Wednesday) issue SARS at wage cut, malaking dagok sa OFWs sa HK Dalawang malaking problema ang kinakaharap ngayon ng ating OFWs sa Hong Kong Special Administrative Region. Ito’y ang Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS at ang pagbabawas ng HK government sa minimum na buwanang sahod ng domestic helpers (DHs) na HK$400 simula kahapon. Kaugnay ng SARS, pinayuhan ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ang OFWs sa HK na mag-ingat sa kanilang kalusugan upang hindi maging biktima ng mabilis na lumalaganap at nakamamatay na sakit na itinuturing na isang “mystery pneumonia” na sanhi ng virus na “Paromyxoviridae.” Matindi ang tama ng SARS at maging ang nakatuklas nito na si Dr.Carlo Urbani, opisyal ng World Health Organization, ay hindi pinatawad ng misteryosong karamdaman. May isa nang OFW – si Adela Dalingay – ang namatay sanhi ng SARS at may ilan pang OFWs sa HK ang nasa iba’t-ibang pagamutan ngayon sa HK. Noong Sabado, sinalubong ng inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport si OFW leader Nellie David na kumumpirmang malaking problema ngayon sa HK ang SARS at ordinaryong tanawin na lang ang mga residente, turista at manggagawa na nakasuot ng surgical mask bilang proteksyon sa nasabing sakit. Sinabi ni Nellie na lahat ng mga kasama niya sa eroplano ay binigyan ng advise na mag-self quarantine sa loob ng dalawang liggo para maiwasan ang paglaganap ng SARS at binigyan din sila ng checklist upang obserbahan nila ang kanilang mga sarili. Sa isyung wage cut, sinabi naman ni Nellie na halos lahat ng DHs sa HK ay tutol sa desisyon ng HK government na bawasan sila ng HK$400. Sinabi din niya na marami ring employers ang nagpahayag ng pagtutol sa wage cut at dahil dito may posibilidad na ikonsidera ng HK authorities ang kanilang naunang desisyon. Samantala, ang mga sumusunod ay ang natanggap ng IMBESTIGADOR na BOSES ng pamilyang OFWs mula sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768 at sa e-mail address na gearcom@philonline.com.: Bernard Corsiga: Dapat magkaroon ng Call Center para sa SARS na tulad ng sa Middle East Call Center upang tumugon sa mga katanungan na may kaugnayan sa nasabing sakit. Ester Chavez: Tama lang na panay-panayin ni Sec. Dayrit ang pagbibigay sa publiko ng impormasyon tungkol sa SARS upang makaiwas tayo sa sakit. Malaki itong problema sa oras na makapasok sa Pilipinas. Jaime G.: Grabe ang trapik sa NAIA! Tatlo kaming hindi nakasakay sa eroplano pa-Taiwan dahilan sa na-late kami sanhi ng matinding trapiko. Dapat ayusin ng MMDA ang trapiko sa nasabing lugar. Cely L.: Marami pa ring recruitment agency ang hindi sumusunod sa itinakdang one month salary placement fee na tulad ng inaplayan ko. Ang gusto ay P130,000 ang ibayad ko samantalang ang sahod naman sa factory worker sa Taiwan ay P23,000 lang. Mary Ann F.: Duda ako sa agency na inaplayan ko. Minamadali akong magbigay ng advance na P30,000 para sa placement fee patungong Hong Kong. Ang kabuuang placement fee na hinihingi sa akin bago ako bumiyahe ay P150,000. * * * Ang IMBESTIGADOR at ang inyong lingkod ay taus-puso at handang tumulong sa mga nabiktima ng mga iligal na recruiters gayundin ng may problema sa ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa overseas employment industry. Katuwang din ng inyong lingkod sa pakikipaglaban si Atty. J. Oswald B. Lorenzo na laging handang magbigay ng libreng legal advise sa pamilyang OFWs. Hanggang sa Biyernes, Mabuhay



04/01/03 23:05:42 GMT
Name: Ramon Piñon
MY URL: Visit Me
Location: Baguio City

Comments:
Bakasyon po ako ngayon sa Pilipinas. Babalik ako sa Saudi sa sunod na buwan. May mga oportunidad pangkabuhayan ba para sa aming OFWs?



04/01/03 00:15:49 GMT
Name: Ester delos Santos
MY URL: Visit Me
Location: Pampanga

Comments:
Sana palaging updated ang inyong kolum sa website. Minsan kasi ay wala na akong mabiling Imbestigador sa San Fernando.



Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53   Page 52  
Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17  Page 16   Page 15   Page 14   Page 13   Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet