Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53   Page 52  
Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



03/11/03 02:18:57 GMT
Name: George Arban Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For March 10 (Monday) issue Unified contract binatikos ni NLRC Chairman Señeres Mariing kinondena ni Chairman Roy V. Señeres “Amba Roy” ng National Labor Relations Commission ang ilang probisyon sa unified contract na nakatakdang ipatupad ng Saudi Arabian government sa OFWs. Ang pagbatikos sa nasabing kontrata ay ipinahayag kamakalawa ng gabi ni Amba Roy sa “Pamilyang OFWs-SMEs” public service program sa Kabayan Radio. Kabilang sa mga probisyon na binatikos ng dating ambassador sa United Arab Emirates ay ang Provisions 23, 24 at 25 na itinuring niyang “one-sided provisions” na pabor sa mga Saudi employers. Nakasaad sa Provision 23 na ang problema sa pagitan ng employer at OFW ay reresolbahin sa pamamagitan ng amicable settlement ng Saudi government. Sa nabanggit na probisyon ay mawawalan ng hurisdiksyon ang Philippine Overseas Employment Administration at NLRC. Sinabi ni Señeres na walang kalaban-laban ang OFW sa dahilan na hindi na pwedeng mag-file ng kaso sa POEA ang argabyadong OFW laban sa kanyang employer at recruiter, gayundin sa NLRC kaugnay naman ng money claims. Sa Provision 24 naman ay ginagawang “krimen” ang pagtakas ng mga OFW. Sa nasabing situwasyon, kailangang magtiis ang OFW maski na siya ay nahihirapan o naaapi sapagkat kung siya ay tatakas ay masasampahan siya ng kasong kriminal. Ang Provision 25 naman ay blanko na nangangahulugan na mawawalan ng hurisdiksyon ang POEA sa ibibigay na sahod ng employer sa OFWs. Sa nasabing probisyon ay employer ang magdidikta kung magkano ang kanilang ipasasahod sa OFW. “Hindi makatao at hindi makatarungan ang dalawang nabanggit na probisyon,” pahayag pa ni Señeres. Sinabi niya na makikipag-usap siya ngayong araw kay Labor Secretary Patricia Sto. Tomas upang mahadlangan ang pagpapatupad ng unified contract na binabatikos din ng non-government organizations na nagmamalasakit sa pamilyang OFWs. Nagpapasalamat nga pala ako at ang mga co-anchors ko sa nasabing programa na sina Atty. Oswald B. Lorenzo at Gerry Ong sa lahat ng mga nakiisa sa nasabing programa na regular na mapapakinggan ng ating mga kapamilyang OFWs tuwing Sabado sa DZRJ 810 AM, mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga, at sa Kabayan Radio, mula alas-7:30 hanggang alas-8:30 ng gabi. * * * Samantala, binabati ng IMBESTIGADOR si Cadet First Class Tara Jaime Velazco na nanguna sa 102 kadete na magtatapos ngayong taon sa Philippine Military Academy. Ang kanyang mga magulang ay si Rodel Velazco at Helen Jaime. Si Helen ay matagal nang nasa Israel at naninilbihan doon bilang nursing aide. Ang 21 anyos na si Tara ay tinanghal na valedictorian ng Class Mandarangan (Mandirigmang may Karangalan). Siya ang pangalawang babae na nag-top simula nang ang 104-taong military school ay tumanggap ng mga kadeteng babae noong 1993. Nakatakdang tanggapin ni Tara, bilang valedictorian, ang Presidential Saber mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tatanggapin din niya ang President GMA Achievement Award for academics. Sa nakatakdang graduation ceremony sa March 20 sa PMA, pangarap ni Tara na makapiling ang kanyang ina na nagsakripisyo nang malaki upang siya ay makapagtapos sa pag-aaral. Saludo ang IMBESTIGADOR at BOSES NG PAMILYANG OFWs sa pamilyang Velazco! * * * Para sa inyong opinyon, problema, reklamo o sumbong, sumulat lang sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768 o mag-e-mail sa gearcom@philonline.com.



03/11/03 02:15:04 GMT
Name: Beth Jimenez
MY URL: Visit Me
Location: Angeles City, Pampanga

Comments:
Dapat magkaisa ang DOLE at TESDA para bumilis ang pag-isyu ng Artist Record Book.



03/11/03 01:49:42 GMT
Name: Jose Castillo
MY URL: Visit Me
Location: Taiwan

Comments:
Akala ko ba, wala nang problema sa AMLA. Yun pala meron pa. Paano na ang pamilya namin sa Pinas?



03/09/03 04:47:08 GMT
Name: Gloria Manansala
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong SAR

Comments:
Dapat pakiusap at diplomasya ang gamitin ni GMA na strategy para huwag ituloy ng HK gov't ang wage cut sa amin. Hindi siya dapat nananakot.



03/07/03 13:21:05 GMT
Name: POFW-SMENFI
MY URL: Visit Me
Location: Quezon City

Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For March 7 (Friday) issue of IMBESTIGADOR Di napapanahon ang pag-ban ni GMA sa mga DHs na pa-HK Hindi tama at napapanahon ang desisyon ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na ipatigil ang pagpapadala ng domestic helpers sa Hong Kong Special Administrative Region. Ito ang sama-samang BOSES na ipinarating ng ating mga kapamilyang OFWs sa IMBESTIGADOR kaugnay ng nasabing pahayag kamakalawa ng Pangulo. Ang mga sumusunod ay ang natanggap nating text messages: Connie Bernal: Ang lakas naman ng loob ni Gloria na i-ban ang deployment ng DHs sa HK. Saan naming parte ng Pilipinas kami magtatrabaho na kasinlaki ng pasahod sa HK? Linda Salvador: Dapat pag-isipan munang mabuti ni GMA ang pagbibigay ng mga pahayag tungkol sa wage cut issue sa HK. Tulad nang pag-ban sa deployment ng DHs doon na hindi naman nararapat dahil wala naming oportunidad dito. Paano naman kaming malapit nang umalis? Fe De Vera: Kaming mga DHs ang dapat na magdesisyon sa aming pagta-trabaho sa HK at hindi sa Gloria. Kami naman ang gumagastos sa aming pag-alis at naghihirap sa pagtatrabaho. Bakit niya kami pipigilin samantalang wala namang magandang oportunidad na naghihintay sa amin dito? Thelma Santos: Kailangang makiusap si GMA sa mga opisyal ng HK upang konsiderahin ang kanilang desisyon na wage cut at hindi niya dapat takutin ang mga ito. Wilma Castillo: Ano na lang ang mangyayari sa amin na umaasa sa aming nanay na nagtatrabaho ngayon sa HK kapag hindi siya nakapag-renew ng kontrata sa Abril? Matutulungan ba kami ni Gloria sa lilikhain niyang problema? * * * Bukas nga pala ay iniimbitahan namin kayo na makinig sa “Pamilyang OFWs-SMEs” sa DZRJ 810 AM, mula alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga, at sa Kabayan Radio, simula naman sa alas-siyete y medya hanggang alas-otso y media ng gabi. Premier broadcast ng aming programa bukas sa DZRJ samantalang ikalawang episode naman ang sa Kabayan Radio na live na napapakinggan ng mga OFWs sa Hong Kong, Taiwan, Macau at Shanghai. Ang “Pamilyang OFWs-SMEs” ay regular na mapapakinggan ng ating pamilyang OFWs at SMEs tuwing Sabado. Layunin ng natatanging public service program para sa pamilyang OFWs at SMEs na mabigyan sila ng kapangyarihan sa pamamagitan ng impormasyon, oportunidad at benepisyo. Kabilang sa mga segment nito ay ang: Pamilyang OFW-SME News Update, Special Report, OFW-SME Family Legal Forum, Opportunities Update at Kasali Ka Kaibigan. Si Administrator Virgilio Angelo ng Overseas Workers Welfare Administration at Director Ricardo Casco ng Philippine Overseas Employment Administration ang naging panauhin sa premier broadcast ng programa sa Kabayan Radio. Simula nga pala sa Linggo (Marso 9) ay mag-uumpisa na ang Pamilyang OFWs Section sa IMBESTIGADOR. Kabilang sa mga itatampok sa “Pamilyang OFWs Section” ay ang Balitang OFWs, Kwentong OFWs, Oportunidad Pangkabuhayan, at Kasali Ka Kaibigan na magbibigay ng pagkakataon sa mga may kinalaman sa overseas employment industry na magbigay ng kanilang opinyon sa mga napapanahong isyu. Ang isyu sa Linggo ay “Handa ba ang RP sa US-Iraq war?” Samantala, inaanyayahan namin ang ating mga kapamilyang OFWs na gustong magpahayag ng kanilang opinion o reaksyon sa mga napapanahong isyu, may problema o reklamo sa kanilang recruitment agencies at employers, o may nalalamang anomalya o iregularidad na kinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan na sumulat sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768 o mag-e-mail sa gearcom@philonline.com. Pwede rin kayong bumisita sa POFW-SMENFI website na pamilyangofw-sme.org.



03/01/03 00:22:15 GMT
Name: Henry Martinez
MY URL: Visit Me
Location: Taiwan

Comments:
I like your website. This will be of great help to all of the OFWs as well as their families. More power!



Current Page   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85   Page 84  
Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77   Page 76  
Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69   Page 68  
Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61   Page 60  
Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53   Page 52  
Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45   Page 44  
Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37   Page 36  
Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29   Page 28  
Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21   Page 20  
Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  Page 12  
Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5   Page 4  
Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet